Hiram






 Hiram

Sa bawat sandaling tayo'y magkasama
Wala na akong ibang inaalala
Kun'di ang mga kaunting panahon na ating tinatamasa
Sa piling ng bawat isa

Batid ko na ikaw ay masaya
Sa pag-iibigang ating nadarama
Ngunit napaplitan ng kalungkutan ang aking ligaya
Dahil alam kong may iba na sa'yo ay umaaruga

Ano ba naman ang aking panlaban?
Kng panahaong pinagsamahan ang pag uusapan
Sapagkat di ko kailanman mapapantayan
Ang inyong mga pinagsamahan

Sana'y iyong maintindihan kung ito'y aking naisasapuso
Sa mga sandaling ika'y wala sa tabi ko
Dahil minsan masakit talagang isipin
Na ako'y nakikihirm sa pag-ibig na di matatawag na akin

 

Comments

Popular Posts